Tuluyan nang tinanggal ng US mula sa Libya ang ilan sa kanilang hukbong militar dahil mas tumitinding gyera na nagaganap sa Tripoli.
Inilipat pansamantala ang American forces sa ibang lugar dahil sa pagkabagabag umano ng mga ito.
Binigyang diin naman ni Col. Chris Karns, tagapagsalita ng Africa Command na ang ginawang paglipat ng ibang hukbong militar ay hindi makakaapekto sa abilidad nitong rumesponde kaagad sa mga banta at pag-atake.
Mas umigting pa ang pagtatalo sa nasabing bansa matapos magpahayag ng pamumuno ni General Khalifa Haftar.
Naglabas naman ng oahayag tungkol dito si US Secretary of State Mike Pompeo at sinabing dapat nangf tigilan ni Haftar ang kahit anong pagbabanta.
Samantala, una ng nanawagan ang Department of Foreign Affairs sa mga Pilipinong kasalukuyang nakabase sa Libya na mag-ingat at umiwas muna sa lugar na apektado ng nasabing gulo.
Nag-abiso na rin ang Philippine Embassy na siguruhin ng halos 1,000 mga Pilipino sa Tripoli na mayroon silang sapat na pagkain, tubig, at iba pang pangangailangan habang hindi pa naaayos ang gusot sa nasabing bansa. (CNN)