-- Advertisements --

Inihayag ng US ang kanilang kahandaan sakaling magpatupad ng pag-atake ang Iran o kanilang kaalyado sa Israel.

Sinabi ni White House national security spokesperson John Kirby, na pinalakas ng US ang kanilang regional forces noon pang mga nakaraang araw.

Ilan sa mga inihanda ng US ay ang pagkakaroon ng dagdag na mga fighter jets at ilang mga barkong pandigma.

Magugunitang nagbanta ang Iran na sila ay gaganti matapos na mapatay si Hamas leader Ismail Haniyeh habang ito ay nasa Tehran at si Hezbollah commander Fuad Shukr na napatay habang ito ay nasa Beirut, Lebanon.