Tiniyak ng Amerika ang kanilang suporta sa mga lokal na awtoridad sa Pilipinas sa paghahanap sa American vlogger na si Elliot Eastman, na dinukot sa Sibuco, Zamboanga Del Norte.
Batay sa statement ng US Embassy sa Pilipinas gagawin nila ang lahat sa pakikipag tulungan sa Philippine authorities para ma rescue ang biktima.
Siniguro ng embahada na prayoridad nila ang kapakanan at kaligtasan ng kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas.
Bukas din ang kanilang linya para sa komunikasyon para sa pamilya ng Amerikanong vlogger.
Ipinauubaya na ng US sa mga otoridad sa Pilipinas sa pagsasagawa ng operasyon para ligtas na ma rescue ang biktima.
Samantala, kinumpirma ng PNP na bumuo na sila ng task force para tutukan ang rescue operation sa laban sa biktima. // John Flores