-- Advertisements --

Tiniyak ng US na sila ay gaganti sa mga agresibong hakbang na ginagawa ng Russia.

Sinabi ni US secretary of State Antony Blinken nakatuon sila sa hakbang na ginawa ng Russia gaya ng pagtrato nila sa opposition leader na si Alexei Navalny, Solar Wind hack at panghihimasok sa halalan.

Isinagawa ni Blinken ang pahayag matapos pagdalaw nito sa United Kingdom.

Nagpahayag din ito ng suporta sa Ukraine matapos patuloy na paglagay ng Russia ng mga sundalo sa kanilang mga border.