-- Advertisements --
Tutulong ang US para sa pag-aayos sa Gaza Strip na nasira dahil sa palitan ng rocket ng Israel at mga Hamas Militants.
Ito ang naging pagtitiyak ni US secretary of State Antony Blinken ng makausap niya si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Dagdag pa nito na hindi makikinabang sa kanilang gagawing pag-aayos ang mga Hamas Militants.
Muling inulit nito ang naging pahayag noon ni US President Joe Biden na suportado niya ang pagdepensa ng Israel sa anumang atake.
Magugunitang aabot sa 250 katao na ang nasawi na karamihan ay pawang mga naipit sa Gaza sa palitan ng rockets na tumagal ng 11 araw.