-- Advertisements --

Binigyang linaw ngayon ng White House na hindi nila maaring balewalahin ang Ukriane sa gagawing pag-uusap kasama ang Russia.

Sinabi ni US Middle East envoy Steve Witkoff, na magtutungo na ito sa Saudi Arabia kung saan kakausapin niya ng personal ang mga kinatawan ng Russia at Ukraine para tuluyang matigil na ang kaguluhan.

Mayroon ding mga hiwalay na pag-uusap ang ilang opisyal ng US sa Ukraine kung saan naging maganda ang tugon ng mga ito.

Una ng sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na hindi nito tatanggapin ang kasunduan sa pagitan ng Russia at US kung hindi sila padadaluhin sa pag-uusap.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay tinawagan ni US President Donald Trump sina Russian President Vladimir Putin at si Zelensky para isulong ang pagtigil ng kaguluhan.