-- Advertisements --
Pinuri ni Israel Defence Minister Yoav Gallant ang naging matibay na pahayag ng US na nananatili pa rin ang kanilang suporta sa kanila.
Ito ang ginawang pagtitiyak sa ginawang pag-uusap sa telepono niya kay US Defense Secretary Lloyd Austin.
Ang nasabing pag-uusap ay naganap sa inaasahan pagganti ng Iran matapos na mapatay ng Israel sa mga lider ng Hamas at Hezbollah.
Sinabi ni Gallant na handa umano ang US na dagdagan ang mga military aide sa Israel sakaling mayroong magaganap na pag-atake sa kanila.