-- Advertisements --

Tiwala ang mga health officials ng US na kaya nilang makontrol ang COVID-19 hanggang unang mga buwan ng susunod na taon.

Sinabi ni Dr. Anthony Fauci ang top infectious disease expert ng US na mangyayari lamang ito kapag tuluyang mapataas ang bilang ng mga magpapabakuna.

Dagdag pa nito na kapag makumbinsi nila ang mga nasa 90 milyon na mamamayan nila ng ayaw magpabakuna ay kanila matatalo na ang COVID-19.

Umaasa si Fauci na maraming mahihikayat na mga magpabakuna lalo na at nabigyan na ng US Food and Drugs Administration ng full approval ang COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer BioNTech.