Tatlong pangunahing banta ang sinusubaybayan ngayon ng US Department of Homeland Security (DHS).
Kabilang sa kanilang mahigpit na binabantayan ay ang mga indibidwal sa ibang bansa sa Afghanistan, na nauugnay sa ISIS o al Qaeda na maaaring gumamit ng relocation process bilang isang paraan upang makapasok sila sa Amerika; pinangangambahan din na ang mga mamamayan na nasa Amerika ay konektado na sa terrorist group; at ang pangatlo ay ang mga indibidwal na inspired o motivated na sa paggawa ng karahasan dahil sa kanilang koneksyon sa domestic violent extremist.
Nauna nang nagpatupad ng extensive screening at critical examination process ang Amerika sa mga inilikas patungo sa kanilang bansa ayon kay DHS intelligence chief John Cohen.
Sa pag-alis sa Kabul, ang mga Afghans ay ipinapadala sa iba’t ibang mga lokasyon sa ibang bansa, kung saan nagbibigay sila ng biographic at biometric information at i-check ito ng US databases.
Kapag maidetermina na “green” ang isang indibidwal, ibig sabihin wala itong derogatory information at inilalagay ang mga ito sa US-bound flights.
Ang mga bumagsak naman sa primary screening ay sasailalim sa secondary screening na kinabibilangan ng FBI support.