Tahasang isiniwalat ni United States diplomat to Ukraine Bill Taylor na nakarating sa kaniya ang pagnanais ni President Donald Trump na ideklara ng Ukraine sa publiko ang imbestigayon na magdidiin kay former Vice President Biden.
Sa 15-pages opening statement ni Taylor sa impeachment inquiry, idinetalye ng US top envoy ang ilang impormasyon tungkol sa pakikipagpulong nito kasama ang mga senior US officials.
Nabatid din ni Taylor sa nasabing meeting na pinipilit nina Trump at kaniyang personal attorney na si Rudy Giuliani na magsagawa ng open investigation laban sa mag-amang Biden upang lumaki raw ang tsansa nito na muling hirangin na pangulo ng Amerika sa susunod na 2020 presidential election.
Ayon pa rito, sinabihan daw siya ni US Ambassador to the European Union Gordon Sondland na nagkamali raw ito nang sabihin niya sa Ukrainian officials na ang meeting ni Zelensky sa White House ay ipapaalam din sa publiko.
“Ambassador Sondland said that he had talked to President Zelensky and Mr. Yermak and told them that, although this was not a quid pro quo, if President Zelensky did not ‘clear things up’ in public, we could be at a ‘stalemate.’ I understood ‘stalemate to mean that Ukraine would not receive the much-needed military assistance,” saad nito.