Hindi umano tatanggapin ng United States ang inilatag na kasunduan ng North Korea hinggil sa hindi pa natatapos na paksa tungkol sa nuclear talks.
Binigyang-diin ni Stephen Biegun, US special representative sa North Korea, na hindi papayag ang Amerika sa year-end talk na ninanais ng North Korea. Aniya, batid ng US ang matinding potensyal ng North Korea na magsagawa ng hakbang upang pilitin ang Amerika para lamang makuha ang kanilang gusto.
Nanawagan din si Biegun sa gobyerno ng North Korea na makiisa sa nuclear talks.
Ayon kay Biegun, dapat daw ay tapusin na ang naturang usapin para tuluyan nang makamit ang kapayapaan ng bawat bansa.
“Let me speak directly to our counterparts in North Korea: It is time for us to do our jobs. Let’s get this done. We are here, and you know how to reach us,” saad ni Biegun.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung makikipagtulungan ang North Korea sa Estados Unidos upang maresolbahan ang mas lumalalang pagkaka-iba ng dalawang bansa hinggil sa North Korean denuclearisation.
Una nang sinabi ng ilang senior North Korean officials na hindi na kasali ang denuclearisation sa usapin at nanakot pa ang mga ito na magpapataw ng self-imposed moratorium sa lahat ng nuclear at long-range missile tests.