-- Advertisements --

Ibinunyag ni US Supreme Court Justice Ruth Bader Ginsburg na siya ay sumasailalim sa chemotherapy dahil sa cancer.

Ayon sa 87-anyos na judge na naging maganda ang kaniyang pagpapagamot at patuloy naman nito ginagampanan ang kaniyang puwesto.

Nagkaroon aniya ito ng lesion sa kaniyang atay at nakatulong ang chemotherapy para mabawasan ito.

Bilang senior liberal justice ay mahigpit na binabantayan ang kaniyang kalusugan.

Ilang beses na itong naospital noong nakaraang mga taon at ito ay nakakabalik ng normal sa kaniyang trabaho.