-- Advertisements --
Kabul airport plane

Nagpaputok na ng mga baril ang US forces sa Kabul airport upang pigilan at payapain ang nagkakagulo na libu-libong mamamayan ng Afghanistan na nagnanais na makasakay ng eroplano sa Hamid Karzai International Airport.

Gayunman ang pagpapaputok ay wala naman daw pinuntirya ang tropa ng Amerika kundi sa ere lamang.

Sinuspinde na rin kasi ang biyahe ng mga commercial fights at inuuna muna ang mga foreign diplomats na makaalis ng Afghanistan matapos na bumagsak na ang gobyerno doon dahil sa paglusob ng Taliban militants.

Trending ngayon sa mga social media ang madramang tagpo na pag-aagawan ng mga tao o sibilyan sa airport dahil sa desperadong makaalis kasunod ng pag-collapse ng kanilang gobyerno.

Kabul afghan airport afghanistan

Lumutang din ang impormasyon na may lima na ang nasawi pero hindi pa makumpirma kung ito ay dahil s putok o kaya sa stampede.

May ilang katao rin ang nahulog pa raw sa cargo plane ng Amerika nang marami ang nagtangkang kumunyapit dito habang papa-take off sa tarmac ng airport.

Una nang nakaalis sa mabilis na paglilikas ang mga US diplomats, habang ang Britanya at Pransiya ay tuloy-tuloy din ang evacuations sa kanilang mga nationals.

Samantala, naalarma na rin ang UN Security Council sa pangyayari sa Afghanistan kaya agaran ang pagpapatawag ng emergency meeting ngayong Martes kasunod nang nakakagulat na pagbagsak ng gobyerno ng Afghanistan.

kabul airport people afghanistan afghan taliban
Kabul airport afghanistan plane