-- Advertisements --
Balik na sa Estados Unidos ang tropa ng Amerika na nasa Iraq sa katapusan nitong taon.
Ngunit magpapatuloy umano ang gagawing pagsasanay ng Amerika sa mga Iraqi military.
Ginawa ang anunsiyo matapos makipagpulong si US President Joe Biden kay Iraqi Prime Minister Mustafa al-Kadhimi sa White House.
Kasalukuyang nasa 2,500 US troops ang nasa Iraq upang tulungan ang bansa sa pakikipaglaban kontra Islamic State Group.
Napag-alaman na nananatiling major issue sa Iraq ang presensya ng US troops mula ng mapatay sa US drone strike si top Iranian general Qasem Soleimani at ang leader ng Iran-backed Shia Muslim militia sa Baghdad, Iraq.