-- Advertisements --
Tuluyan ng pagbabawalan ng US Department of Commerce ang Chinese app na TikTok at WeChat.
Magiging epektibo ito sa araw ng Linggo Setyembre 20.
Ang nasabing pagbabawal ay dahil umano sa banta sa national security ang nasabing mga apps.
Mariing pinabulaanan naman ng China ang nasabing alegasyon ito ng US.
Sinabi US Department of Commerce Secretary Wilbur Ross, na ang hakbang ay mahalaga para malabanan ang nasabing pagkuha ng China ng mga personal data ng US.
Bagamat magagamit pa ng mga users mula sa US ang nabanggit na apps ay hindi na sila makakapag-download ng mga updates.
Itinakda naman ni US President Donald Trump ng hanggang Nobyembre 12 para maresolba ang national security concerns dulot ng TikTok.