-- Advertisements --
TRUMP ALL IS WELL 1

Inanunsiyo ni US President Donald Trump na tuluyan na niyang tatanggalin ang pakikipag-ugnayan na World Health Organization (WHO).

Sa kanyang paliwanag, ang hakbang ay dahil daw sa hindi nalabanan kaagad ng WHO ang pagkalat ng novel coronavirus.

Sinabi pa nito na kailangan ng kasagutan ng mundo mula sa China at ganon din ang transparency subalit wala raw silang makuhang impormasyon.

“Because they have failed to make the requested and greatly needed reforms, we will be today terminating our relationship with the World Health Organization,” wika ni Trump.

Kung maalala una nang pinutol ni Trump ang tulong na pagpopondo ng US sa WHO dahil sa hindi raw maganda ang paghawak sa problema sa global pandemic.

tedros WHO

Samantala sa pinakahuling datos na inilathala ng website na Worldometer, nasa 1,209 ang panibago na namang nadagdag na nasawi sa nakalipas na 24 oras sa Amerika.

Habang nasa 24,802 naman ang panibagong kaso ng COVID ang nakumpirma.

Sa kabuuan ang death toll sa Amerika ay nasa 104,539 na.

Patuloy din ang paglobo ng mga kinapitan ng deadly virus na umakyat pa sa 1,793,263.

Ang US ang nananatiling numero uno sa buong mundo na may pinakamaraming kaso ng coronavirus na sinusundan naman ng Brazil na may 468,338, samantalang ang Russia ang pangatlo na nagtala na ng 387,623 cases.