Tutulong na ang US investigators sa pagbagsak ng pampasaherong eroplano sa South Korea na ikinasawi ng 179 katao.
Ayon kay Joo Joong-wan ang transport ministry official, na kanilang nabawi na ang flight data at cockpit voice recorder ng nasabing eroplano.
Dito malalaman ang pinakasanhi ng aksidente na ang insiyal ay dahil sa bird strike.
Mananatiling nakasara ang nasabing runway ng paliparan ng hanggang Enero 1.
Nagtungo na rin sa lugar ng pinangyarihan sai South Korea acting president Choi Sang-mok kung saan tiniyak nito na kanilang gagawin ang lahat ng makakaya para matulungan ang mga biktima.
Hindi naman maiwasan na magalit ang mga kaanak ng mga nasawing biktima kung saan sila ay ang nagtungo sa lugar at ikinagalit ang mabagal na pagresponde ng mga otoridad.
Dahil sa insidente ay nagdeklara ang gobyerno ng South Korea ng seven days of national mourning.
Magugunitang ang Boeing 737-800 na Jeju Air Flight 2216 na galing sa Bangkok, Thailand ay bumagsak sa Muan airport matapos ang bird strike at sama ng panahon.
Humingi na rin ng paumanhin ang Jeju Air sa mga kaanak ng mga nasawing biktima.