-- Advertisements --

Pumanaw na ang American TV show host na si Frank Fritz sa edad na 60.

Kinumpirma ito ng kaniyang costar at kaibigan an si Mike Wolfe.

Hindi na nagbigay pa ng anumang detalye ukol sa kamatayan ng TV host.

Noong nakaraang dalawang taon kasi ay na-ospital na ito dahil sa stroke at mula noon ay lumutang ang iba’t-ibang sakit.

Nakilala si Fritz sa show na “American Pickers” na ilang taon na ipinalabas sa History Channel.