Inakusahan ng US, UK at Gerogia ng Russian military na nasa likod ng major 2019 cyber attack sa Georgia.
Sinabi ni Secretary of State Mike Pompeo, na ang Russian General Staff Main Intelligence Directorate (GRU) Main Center for Special Technologies o kilalang Unit 7455 at Sandworm ang siyang nasa likod ng cyber attack laban sa Georgia.
Nangyari ito noong Oktubre 28, 2019 kung saan ilang libong mga Georgian government at privately-run websites ay pinasok ng mga cyber attack.
Kabilang din pinasok ang dalawang major television station sa bansa.
Nanawagan ang US na itigil na ang ginagawa nito sa Georgia at ibang mga lugar.
Itinuturing ng US na ang insidente bilang “hybrid warfare” tactics.
Tiniyak naman ni Pentagon spokesperson Lt. Col. Carla Gleason na gagawin nila ang kanilang trabaho para depensahan ang kanilang mga katabing bansa.