Isiniwalat ni US President Donald Trump na patuloy umano ang mga diskusyon hinggil sa isang “very substantial” trade deal sa pagitan nila ng United Kingdom.
Ayon kay Trump, maaari umanong lumago mula “three to four, five times” ang kasalukuyang kalakalan ang binabalangkas na post-Brexit deal.
Matapos din ang kanilang pag-uusap sa telepono ni Boris Johnson, tiwala si Trump na magiging maganda ang relasyon ng bagong British prime minister.
Dagdag nito, naging hadlang umano sa US-UK trade ang pagiging miyembro ng Britain sa European Union (EU).
Sa pag-alis ng UK sa EU, sinabi ni Trump na asahan na raw ang mas mayabong daw na palitan ng kalakal sa Estados Unidos.
Kapwa inihayag nina Johnson at Trump na magsisimula raw ang pormal na mga negosasyon sa lalong madaling panahon matapos ang pagkalas sa EU ng Britain sa Oktubre 31. (BBC)