Inaasahan ng Estados Unidos ang mas malapit na economic cooperation sa Pilipinas sa kabila ng pagpaplano ng dalawang bansa para sa post-pandemic future.
Sa isang economic briefing na pinangunahan ng Philippine Embassy sa Washington D.C. ay sinabi ni US Embassy Chargé d’Affaires Heather Variava na maaaring magsimulang magtrabaho ang dalawang bansa sa mga bagong areas of cooperation, kabilang na ang clean energy, information technology, at supply chain resilience.
Sa energy, magsisimula ang US sa pamamagitan ng pagpapadali sa long-term transition palayo sa fossil fuel.
Sinabi ni Variava na kinikilala niya ang kahalagahan ng aboy-kaya, accessible, at sustainable sources ng clean energy.
Partikular din aniyang makikinabang dito ay ang mga climate-vulnerable countries, kabilang na ang Pilipinas.
Nakahanda rin ang Embahada na ikonekta ang mga kumpanya ng US at Pilipinas na nakatutok sa solar, wind, at geothermal power development.
Ayon pa kay Variava, makikipagtulungan din ang US sa mga awtoridad ng Pilipinas sa paglalagay ng mga pundasyon para sa isang ligtas at maaasahang pagbuo ng nuclear energy.
Samantala, sa kanyang pahayag ay sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na magpapatuloy ang Maynila sa kasalukuyan nitong mga prayoridad sa climate change at clean energy transition, kabilang na ang enhancing ng partisipasyon nito sa global supply chain at pag-improve nito sa digital economy environment.
Sinabi ng Filipino diplomat na ang gross domestic product (GDP) ay malaki ang tiyansang magbalik na muli sa pre-pandemic levels simula ngayon taon, na suportado ng 5.6% full-year GDP growth na naitala noong nakaraang taon.
Magugunita na lubhang naapektuhan ang ekonomiya ng bansa sa loob ng halos dalawang taong pagtama ng pandemya dito.