-- Advertisements --

Pumanaw na ang beteranong komedyante ng Hollywood na si Jerry Stiller sa edad 92.

Ayon sa anak nito na si actor Ben, matagal ng may dinanas na sakit ang ama at hindi na nagbigay pa ng ibang detalye.

Itinuturing na multi-talented performer ang beteranong actor na lumabas sa maraming mga pelikula.

Sumulat ito ng autobiography na “Married to Laughter” patungkol sa mahigit 50- taon na buhay may-asawa sa kaniyang soul mate at asawang si Anne Meara na pumanaw na rin noong 2015.

Noong 1997 ng makakuha ito ng Emmy awards nomination para sa kaniyang pagganap sa “Seinfeld”.

Magkasama sa ang mag-amang Ben at Jerry sa pelikulang “Shoeshine” na nominado sa 1988 Academy Award sa short subject category.

Ikinasal si Jerry at Anne noong 1953 kung saan biniyayaan sila ng dalawang anak na sina Ben at Amy.