Nakatuon sa pagtanggol sa international ruling sa West Philippine Sea ang magiging pangunahing tatalakayin ni US Vice President Kamala Harris sa kaniyang pagbisita sa Vietnam at Singapore ngayong buwan.
Si Harris ang siyang magiging kauna-unahang bise presidente ng US na bibisita sa Vietnam kung saan paiigtingin nito ang relasyon ng dalawang bansa para labanan ang lumalaking impluwensiya ng China sa rehiyon.
Ayon sa White House na gagawa ng paraan ang US Vice President para magkaroong ng free passage of trade sa West Philippine Sea at walang ibang bansa na mambabastos sa karapatan ng iba.
Magugunitang isa ang Vietnam sa komontra sa ginagawang pang-aagaw ng China sa mga isla sa West Philippine Sea.
Unang bibisita si Harris sa Singapore sa darating na Agosto 22 at sa Vietnam naman sa Agosto 24.