Hindi nababahala si US Vice President Kamala Harris sa unang face-to-face debate nila ni dating US President Donald Trump para sa US Election.
Ilan sa mga ginawang paghahanda ni Harris ay kausapin sina US President Joe Biden at dating First Lady Hillary Clinton na nakaharap si Trump noong mga nagdaang halalan.
Manonood din sa kampo ni Harris ang ilang mga Democratic governors na kinabibilangan nina Govs. Josh Shapiro ng Pennsylvania, Roy Cooper ng North Carolina, Michelle Lujan Grisham ng New Mexico at Gavin Newsom ng California.
Magiging abala naman si US President Biden dahil sa araw kung saan magkakaroon ng debate sina Harris at Trump.
Bibisita kasi sa White House ang mga nagkampeon ng NCAA basketball teams na University of South Carolina at University of Connecticuts men’s team.
Sa hapon naman ay magtutungo si Biden sa New York para sa paggunita ng September 11 terror attacks.
Sinabi ni White House press secretary Karine Jean-Pierre, na maaring sa Manhattan hotel na lamang manonood ng debate ang US President.
Pagkatapos kasi ng debate ay sasamahan siya ni Harris para bisitahin ang mga lugar na nagapan ang September 11 attacks ito ay ang New York, Shanksville, Pennsylvania at Pentagon.
Gaganapin sa National Constitution Center sa Philadelphia ang kauna-unahang debate nina Trump at Harris.
Sa panig ni Trump ay hindi na umano ito nag-abala na magsagawa ng pananaliksik dahil sa naging beterano na ito sa nasabing debate kung saan ilan sa mga isyu na maaring ibato nito kay Harris ay ang pagsuporta ng US sa giyera sa Gaza at ang ekonomiya.