-- Advertisements --

Nag-alok ng tulong si US Vice President Kamala Harris sa lider ng Vietnam.

Kabilang dito ang pagpapalakas ng Vietnam ng kanilang maritime security para malabanan ang pananakop ng China sa bahagi malapit sa West Philippine Sea.

Magiging regular din aniya ang pagbisita ng mga barkong pang-digma ng US sa Vietnam.

Isinagawa ni Harris ang pagtitiyak sa pakikipagpulong niya kay Vietnam President Nguyen Xuan Phuc, Vice President Vo Thi Anh Xuan at Prime Minister Pham Minh Chinn.

Nauna rito bumisita si Harris sa Singapore at sinunod ang Vietnam sa kaniyang pitong araw na pagbiyahe para mapalakas ang relasyon ng US sa nasabing mga bansa.

Sinabi pa ng US Vice president na kailangan ng matinding pressure ang China para matigil na nito ang ginagawang pagsakop sa lugar.