-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni US Vice President JD Vance na sa loob lamang ng isang linggo mula ng maupo si US President Donald Trump ay marami na itong nagawang trabaho kumpara kay dating Pangulong Joe Biden.

Dagdag pa ng Ohio Republican na ang apat na taon na panunungkulan ni Biden ay tila ginawang isang linggo lamang ni Trump sa dami ng mga trabaho.

Gumagawa rin sila ng paraan para mapagtakpan ang mga damyos na dulot sa pamumuno ni Biden.

Pagdepensa pa nito kay Trump na hindi lamang siya nakaupo sa oval office dahil sa nakikita ang paggawa niya ng mga trabaho.