Inamin ni Sri Lankan Prime Minister Ranil Wickremesinghe na hindi nakarating sa kanya ang lumabas na memo kung saan nagbigay babala sa posibleng pag-atake sa Sri Lanka at pinaalalahanan ang lahat na maghigpit ng seguridad.
Ito ay kaugnay ng naganap na pagsabog sa ilang simbahan at hotel sa Sri Lanka na ikinasawi ng halos 207 katao at 400 katao naman ang sugatan.
Ang nasabing memo ay inilabas umano noong April 14 at pinirmahan ng deputy inspector general of police ng Sri Lanka.
Sa ibinahagi namang pahayag ni Sri Lankan Minister of Telecommunication Harin Fernando, inamin nito na hindi kaagad nabigyan ng agarang pansin ang nasabing memo kung saan maaari raw sanang maiwasan ang trahedya.
Tinawag naman ni US Vice President Mike Pence na isang ‘attack on Christianity & religious freedom’ ang nangyaring pagsabog na ito at sinabing naka-monitor sila ni US President Donald Trump sa sitwasyon.