Bibisita mamaya sa Malacanang Palace si United States Vice President Kamala Harris.
Nakatakda kasi siyang mag-courtesy call kay Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mamayang hapon.
Pagdating sa Malacanang, bibigyan ng arrival honors ang bise presidente ng America.
Inaasahang tatalakayin sa pulong nina Pang. Marcos at Harris ang pagpapalakas ng alyansa at economic ties ng Pilipinas at US.
Maliban sa pakikipag-usap sa matataas na opisyal ng bansa, magtutungo rin ang US vice president sa Palawan, kung saan bibigyan siya ng briefing ng Philippine Coast Guard (PCG) tungkol sa kanilang maritime operations.
Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na hindi magdudulot ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China ang pagbisita ni Harris sa Palawan dahil nasa teritoryo naman ito ng ating bansa.