-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang pakikipag-usap ni Vice President Kamala Harris sa mga potensiyal nito ng magiging running mate sa para sa halalan.

Ilan sa mga magtutungo sa Washington, DC para makausap ang Vice President ay sina Governor Josh Shapiro, Senator Mark Kelly at Governor Tim Walz.

Inaasahan na makakapili na si Harris ng kaniyang runningmate bago ang Democartic National Convention na magsisimula sa Agosto 19 sa Chicago.

Sinasabing nasa limang kandidato ang pinagpipilian ni Harris na kinabibilangan nina Kentucky Governor Andy Beshear o Transportation Secretary Pete Buttigieg.

Magugunitang opisyal na naging presidential nominee ng Democratic party si Harris sa boto ng mga party delegates nitong Biyernes.

Una ng sinabi ni US President Joe Biden na ipapaubaya na niya kay Harris ang pagpili kung sino ang mararapat na maging runningmate nito.