-- Advertisements --

Ni-reject ng Amerika ang UN Security Council resolution na nagde-demand para sa agarang tigil-putukan sa giyera sa Gaza dahil hindi ito konektado sa agarang pagpapalaya sa mga bihag na dinukot ng Hamas militants sa Israel noong Oktubre 7, 2023.

Mayorya o 14 mula sa 15 miyembro ng konseho ang pumabor sa resolution kabilang ang mga kaalyado ng Amerika na Britain at France subalit ito ay nakompormiso dahil sa pag-veto ng Amerika.

Paliwanag ni US deputy ambassador Robert Wood na ilang linggo nilang trinabaho para maiwasan ang pag-veto sa naturang resolution na inisponsoran ng 10 elected members ng konseho. Aniya, nilinaw niya sa mga negosasyon na hindi nila susuporthan ang isang unconditional ceasefire na bigong palayain ang mga bihag.

Ikokonsidera din aniya ito kung sakali ng Hamas bilang vindication ng kanilang cynical strategy para kalimutan ng international community ang kapalaran ng mahigit 100 binihag mula sa mahigit 20 estado na nasa kamay ng Hamas sa loob ng 410 days.