-- Advertisements --

Puamanaw na ang voice actor na si Peter Renaday sa edad na 89.

Nakilala siya sa pagganap bilang boses ni Master Splinter sa orihinal at sika na animation cartoon na “Teenage Mutant Ninja Turtles” mula 1980 hanggagn 1990.

Ayon sa kampo nito na namayapan na ito sa kaniyang bahay sa Burbank, California dahil na rin sa edad na rin.

Sa social media post ng nakasama nitong si Townsend Coleman ang may boses na Michaengelo sa nasabing series ay inihayag niya ang labis na kalungkutan nito ng mabalitaan ang pagpanaw ni Renaday.

Isinilang sa Louisiana noong 1935 si Renaday ay naging matagumpay sa kaniyang career ng mahigit na anim na dekada.

Gumanap ito sa iba’t-ibang roles mula sa halos 200 na pelikula at TV shows.