-- Advertisements --

Dumating na sa Ghana si US Vice President Kamala Harris para sa kaniyang three-nation African tour.

Layon ng nasabing biyahe ay para mapalakas ang ugnayan ng US sa African continent.

Pagkatapos ng Ghana ay magtutungo ito sa Tanzania at Zambia hanggang Abril 2.

Kasama nito ang asawang si Second Gentleman Douglas Emhoff at sila ay sinalubong ni Vice President Mahamudu Bawumia at ilang opisyal ng gobyerno.

Ang nasabing biyahe ay bilang resulta sa isinagawang summit noong Disyembre na pinangunahan ni US President Joe Biden kasama ang mga lider mula sa African continent.