-- Advertisements --

Kasunod ng tuluyang pag-atras ni US President Joe Biden sa US Presidential Elections at pag-endorso sa kay VP Kamala Haris, nagpahayag ng kumpiyansa ang pangalawang pangulo na ipapanalo niya ang US Presidential Elections.

Ito ay sa tulong na rin aniya ng suporta at tuluyang endorsement ng mga Democrats.

Ayon kay VP Harris, ipapanalo niya ang nomination ng mga kasamahang Democrat.

Mayroon din aniyang mahigit isandaang araw pa bago ang halalan at pipiliting maipanalo aniya ang election.

Hinimok ng pangalawang pangulo ang mga kasamahan na magtulungan at lumaban para maipanalo ang US Presidential Elections sa Nobyembre.