Iginiit ni US Vice President at presumptive Democratic presidential nominee Kamala Harris na panahon na para mawaksan ang giyera sa pagitan ng Israel at Hamas.
Sa speech ni Harris matapos ang kanilang pagpupulong ni Israeli PM Benjamin Netanyahu sa Washington, ipinaabot niyang labis siyang nababahala sa sitwasyon sa Gaza at sinabihan si Netanyahu na panahon na para maikasa ang kasunduan para sa tigil putukan.
Saad pa ng Ikalawang Pangulo ng Amerika na ang mga larawan ng mga napatay na bata at desperadong nagugutom na mamamayan na lumilisan na para sa kanilang kaligtasan at na-displace ng ilang beses, ay hindi dapat na talikuran sa harap ng naturang mga trahediya at hindi din aniya siya papayag na maging manhid sa kanilang paghihirap at nangakong hindi siya mananahimik sa paghihirap ng mamamayan sa Gaza sa gitna ng digmaan.
Muling iginiit din ni Harris ang paulit-uit na sinasabi ni US President Joe Biden sa ironclad support at hindi natitinag na commitment ng Amerika para sa Israel subalit kasabay nito ay ipinarating din niya dapat ng mawaksan ang giyera.