-- Advertisements --
Mainit pa rin na sinalubong ng ilang daang staff ng White House si US Vice President Kamala Harris.
Ito kasi ang unang pagkakataon ni Harris na nakabalik sa White House matapos ang kaniyang pagkatalo sa pagka-pangulo.
Nagtipon-tipon ang mga staff ng White House sa labas ng Eisenhower Executive Office Building at doon binati ang Vice President.
Nakatakda rin itong makipagpulong kay US President Joe Biden.