-- Advertisements --
Nakalikom ng mahgiit $200 milyon na campaign fund si US Vice President Kamala Harris matapos ang isang linggo ng italaga siya ni President Joe Biden na tumakbo sa halalan.
Ayon kay Rob Flaherty ang deputy campaign manager ni Harris na mayroong mahigit na 170,000 na bagong volunteer din ang pumirma mula pa noong nakaarang linggo.
Sa nasabing halaga ay 66 percent dito ay galing sa mga bagong donors.
Noong nakaraang linggo din ay ipinagmalaki ng kampo ni dating US President Donald Trump na mayroong mahigit $331 milyon na campaign fund na silang nalikom.
Sinimulan na ng US ang kanilang countdown kung saan mayroon na lamang 100 araw bago ang halalan sa buwan ng Nobyembre.