-- Advertisements --
Pence March 3 5
US Vice President Mike Pence

Ipinagpatuloy pa rin ni US Vice President Mike Pence ang kaniyang election campaign matapos na magpsotibo sa COVID-19 ang kaniyang chief of staff.

Hindi na kasi niya kailangan na mag-isolate kahit na nakasalamuha nito si Marc Short ang kaniyang chief of staff.

Nilinaw din ng kampo ni Pence na negatibo sa isinagawang COVID-19 test ang US Vice President at ang asawa nito.

Sinabi ni Devin O’ Malley ang tagapagsalita ni Pence, nananatiling malusog ang bise president at ang asawa nitong si Karen.

Dahil dito, walang pagbabagong gagawin ang kampo ni Pence para sa kampanya sa November 3 elections.