-- Advertisements --
Binatikos ni US Vice President JD Vance ang mga European countries dahil sa pagpapabaya sa pagdami ng iligal migrants, pagpigil sa malayang pamamahayag at hindi nakikiisa partidong kontra sa gobyerno.
Isinagawa ng US Vice President ang batikos sa kaniyang talumpati sa Munich Security Conference sa Germany.
Ipinagmalaki nito na kayang tapusin ni US President Donald Trump ang kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine subalit ang banta ay nasa Europa.
Giit nito na nakayanan ng US ang anumang pambabatikos mula sa ilang protesters ng hindi pinipigilan ang mga ito na maglabas ng kanilang hinaing.