-- Advertisements --

Wala pang balak ang US na mabuksan agad ang embahada nila sa Syria.

Ayon kay US State Department spokesperson Matthew Miller na hindi pa nila prioridad na mabuksan ang embahada mula ng magsara ito noong 2012.

Nais lamang nilang makita ngayon kung paano patakbuhin ng bagong adminstrasyon ang Syria.

Mula kasi ng mapatalsik si Syrian President Bashar al-Assad ay nananatiling nakabantay ang US para hakbang na gagawin ng Hayat Tahrir al-Sham.