-- Advertisements --
Nilinaw ni US President Donald Trump na wala silang balak na magdeklara ng giyera sa Iran.
Kasunod ito ng tensyon sa dalawang bansa.
Sinabi ni Trump na ayaw niyang magpatupad ng pressure sa Iran dahil baka lalong lumala pa ang sitwasyon.
Nauna rito pinauwi ng US ang ilang mga diplomatic staff sa Iraq at ang paglalagay ng mga warships at fighter jet sa karagatang malapit sa Iran.
Magugunitang pinutol ng US ang tulong sa Iran dahil sa pagmamatigas nila ng hindi pagtigil ng kanilang nuclear deal.