-- Advertisements --

Wala umanong ginawa ang US ng hindi tumugon ang China sa kasunduan na tanggalin ang mga barko nila sa West Philippine Sea noong taong 2012.

Sinabi ni dating Senate President Juan Ponce Enrile, ang US pa raw mismo ang nag-ayos sa kasunduan para lumamig ang hindi pagkakaunawaan ng China at Pilipinas sa Scarborough Shoal na inaangkin din ng mga ibang bansa.

Noong June 2012 ng makontrol ng China ang Scarborough Shoal na malapit sa Luzon.

Nagkaroon ng tatlong buwang standoff matapos na subukang arestuhin ng Philippine Navy vessel ang Chinese fishermen na kumukuha ng mga giant clams.

Matapos na gumawa ang US ng paraan para maresolba ang standoff sa pamamagitan ng paggawa ng kasunduan at sinabihan ang dalawang bansa na tanggalin na ang kanilang mga barko.

Tanging ang Pilipinas lamang umatras at hindi man lang sinabihan ng US ang China na tanggalin ang barko nito.