Kinumpirma ng US military na kanilang nawasak ang 4 na drones at 2 anti-ship ballistic missiles sa mga rehiyon ng Yemen na kontrolado ng Houthi rebels na suportado ng Iran.
Ang inilunsad na air strike ng US ay sa gitna ng patuloy na pag-atake ng Houthis sa mga barkong sinasabi ng rebeldeng grupo na may kaugnayan sa Israel partikular na ang mga naglalayag sa Red Sea at Gulf of Aden simula pa noong Nobyembre ng nakalipas na taon.
Ang aksiyon naman ng Houthi rebels ay bilang pakikiisa umano sa kanilang kaalyadong Hamas na humaharap sa opensiba ng Israel sa Gaza strip.
Samantala, matagumpay ding nasira ng US Central Command (USCENTCOM) forces ang 4 na Unmanned Aircraft Systems (UASs) at 2 Anti-Ship Ballistic Missiles (ASBMs) sa Houthi-controlled areas ng Yemen.
Naharang din ng American forces ang unmanned aircraft systems na inilunsad mula sa Houthi-controlled area sa Bab al-Mandab Strait at napinsala din ang patrol boat ng Houthi rebels.
Sa kabila naman ng mga inilunsad na 4 na anti-ship ballistic missiles ng Houthos sa Red Sea sa nakalipas na 24 oras, sinabi ng US military command na walang naitalang nasugatan o pinsala.