-- Advertisements --

Nakuha ng US ang unang Olympic gold medal sa women’s volleyball.

Ito ay matapos talunin nila ang Brazil sa straight sets sa finals ng Tokyo Olympics.

Bumida sa panalo si Andrea Drews na nagtala ng 15 points sa laro na ginanap sa Ariake Arena.

Mula sa simula ay hindi na pinalamang ng USA women’s volleyball team ang Brazil 25-21, 25-20 at 25-14.

Nagwagi naman ng bronze medal ang Serbia ng talunin ang South Korea sa straight sets.

Pawang mga silver medals at bronze medals lamang kasi ang napapanalunan ng US women’s volleyball team.