-- Advertisements --
Nakatakdang iapela ni world champion sprinter Christian Coleman ang dalawang taong ban nito sa athelitics dahil sa anti-doping violations.
Sinabi ng kaniyang manager na si Emanuel Hudson, na magtutungo sila sa Court of Arbitration for Sports para iapela ang nasabing ban.
Hindi muna ito magbibigay aniya ng anumang pahayag hanggang madinig ang kaso sa court of jurisdiction.
Noong nakaraang taon ay nagwagi si Coleman sa 100 meters World Championships sa Doha at nakuha ang oras na 9.76 seconds.
Nakatanggap ang 24-anyos na American runner ng ban noong Mayo 14, 2020 dahil umano sa hindi pagsali sa tatlong mga torneo na una ay noong June 6, 2018, January 16, 2019 at April 26, 2019.