Inilabas na ng team USA ang magiging posisyon ng mga NBA players na maglalaro sa nalalapit na Paris Olympics.
Ang itinuturing na pinakamalakas na basketball team sa buong Olympics ay bubuuin ng mga NBA superstar champion.
Ang mga bigman ng koponan na sina Bam Adebayo ng Miami Heat , Joel Embiid ng Philadelphia 76erss, at Anthony Davis ng Los Angeles Lakers ay maglalaro bilang mga sentro.
Para sa posisyon ng forward, kabilang dito sina Kevin Durant ng Phoenix Suns, Lebron James ng Lakers, at Jayson Tatum ng Boston Celtics.
Ang anim na nalalabing player ay pawang maglalaro bilang mga guard, kinabibilangan nina Stephen Curry, Devin Booker, Anthony Edwards, Tyrese Haliburton, Jrue Joliday, at Derrick White.
Batay sa inisyal na schedule ng team USA sa nalalapit na Olympics, ang Serbia ang unang makakalaban nito na nakatakda sa July 28.
Susunod na makakalaban ng Team USA ang South Sudan(july 31), at ang Puerto Rico(aug 3).
Ang tatlo ay pawang nakahanay sa usa sa ilalim ng group stage.
Batay sa kasaysayan ng team USA, nagawa na nitong manalo ng 16 gold medal sa mga Olympic games.
Mula noong 2004, pawang gintong medalya na ang inuuwi nito mula sa Olympics.