-- Advertisements --

Patuloy ang pagbuhos ng pagbati sa USA men’s basketball team matapos makamit nila ang ika-limang gold medal sa Paris Olympics.

Ito ay matapos na talunin ang host country na France sa score na 98-87.

Nanguna sa panalo ng USA si Golden State Warriors superstar Stephen Curry na nagtala ng 24 points.

Hawak pa ng France ang kalamangan na 14- points at napababa ito ng anim na puntos sa last quarter.

Sinabi ni LeBron James na kaya nila nalulusutan ang mga malalaking puntos na lamang ng kalaban ay dahil sa ipinapanatili nila ang kanilang compusore at hindi nawawala ang focus nila.

Hindi maipaliwanag ni Curry ang nararamdaman lalo na at first time niyang sumabak sa Olympics.

Dahil sa panalo ay bumuhos ang pagbati mula sa mga NBA fans kung saan sinabi nilang isang malaking kagalakan na magsama-sama ang mga manlalaro.