-- Advertisements --

Pinangunahan ni NBA star LeBron James at Stephen Curry ang Team USA Basketball ng talunin nila ang Canada 86-72 para sa pre-Olympics exhibiton sa Las Vegas.

Nagtala ng 12 points si Curry habang mayroong seven points si James.

Nakabangon ang US sa 11-1 deficit para tuluyang talunin ang Canada sa kanilang huling laro bago ang pagsisimula ng Paris Olympics.

Ayon kay James na wala pang isang linggo noong sila ay nagsama-sama kaya maaaring sa mga susunod na araw ay magiging maganda na ang laro nila.

Naniniwala naman si Curry na mahalaga talaga ang depensa sa mga laro sa Olympics.

Dagdag pa ng Golden Warriors star na mahalaga ang pagtulungan ng bawat koponan para makamit ng USA Basketball ang limang magkakasunod na gintong medalya.