-- Advertisements --

Tinambakan ng USA Basketball team ang Serbia 110-84 sa unang laro nila sa Paris Olympics.

Bumida sa panalo ng USA si Kevin Durant na nagtala ng 23 points habang mayroong 21 points, siyam na rebounds at pitong assists si LeBron James.

Ito ang pagbabalik sa Olympics ni James sa loob ng 12 taon habang ang unang pagsabak naman ni Durant.

Nasayang naman ang nagawang 20 points ni three-time NBA most valuable player Nikola Jokic at 14 points ni Bogdan Bogdanovic para sa Serbia.

Target ng USA Basketball team na makuha ang ika-limang sunod na Olympic Gold medal para sa US.