-- Advertisements --
USA VS AUS
USA VS AUS/ TWITTER IMAGE

Binigo ng Team USA ang Australia sa basektball warm-up games ng World Cup 102-86.

Nanguna sa panalo si Kemba Walker na nagtala ng 23 points habang mayroong 15 points si Myles Turner.

Hawak pa ng Australia ang kalamangan 45-44 sa second half hanggang mahabol ito ng USA Basketball team mula kina Harrison Barnes at Donovan Mitchell.

Nasayang naman ang nagawang tig-19 points nina Patty Mills at Chris Goulding para sa Australia.

Umabot sa 51,218 ang nanood sa Marvel Stadium sa Australia na siyang pinakamalaking bilang na nanood ng basketball sa bansa.