-- Advertisements --

Tinambakan ng USA Basketball team 122-87 ang Brazil sa semifinals ng men’s basketball tournament ng Paris Olympics.

Dahil sa panalo ay makakaharap nila ang Serbia na tinalo ang Australia.

Habang ang France ay makakaharap ang Germany.

Ang pagharap ng USA at Serbia ay tila rematch nila noong 2016 Rio Olympics gold medal final at ang harapan ni four-time NBA most valuable player LeBron James at 3-time MVP Nikola Jokic.

Desidido ang USA Basketball team na makuha ang ikalimang kampeonato sa men’s basketball.

Mula sa simula ay hawak ng USA basketball team ang kalamangan kung saan umulan ng tres mula sa iba’t-ibang NBA player USA.

Nanguna sa panalo si Devin Booker na mayroong 18 points, Anthony Edwards na mayroong 17 points at LeBron James na mayroong 12 points.